Posts

Sorbetes

Image
  Marso lagpas ng kalahati ng buwan naging busy ang lahat dahil sa napaka-tagumpay na mga gawain. Pagod, uhaw, init, puyat, at iba't iba pang nararamdaman dahil ginugol ang lahat ng lakas upang maisakatuparan ang minimithing tagumpay. Umakyat ng hagdan, hila ang mga paa dahil sa pagod pero hindi alintana dahil hindi naman nag-iisa. Baon ay ngiti, pawis na tila pumapatak na lamang ng kusa, at magandang kwento ang bitbit at nararamdaman sa bawat baitang bago makarating sa paroroonan.  Tubig ang katapat at malamig na hangin na dala ng pinagsamang bukas na aircon at electric fan na tila nagdala ng ginhawa sa aking nararamdaman. Hindi natatapos sa ganun ganun na lamang, kailangan nating alamin ang mga magagandang nangyari, hindi magandang nangyari, at ang mga dapat pang husayan na bahagi ng natapos na aktibidades. Ibig sabihin pagpupulong pagkatapos ng nasabing tagumpay upang mas mapahusay pa ang mga susunod na gagawing mga gawain. Habang nagpupulong ay kumakain ng biscuit upang ma...

Calling?

Image
  Noong ako'y nagsimula sa bagong kabanata ng aking buhay sa bagong trabaho na ipinagkaloob ng Maykapal, dahil dumating ito ng hindi inaasahan. Nagsimula sa isang mesahe na tinatanong ako kung gusto ko bang subukang mag-turo at nasabi ko na lang na "Sige po subukan kong magpasa sa inyo ng aking curriculum vitae." na wala sa kaisipan na matatanggap ako, dahil subok nga lang. Kasalukuyan din naman akong nagtratabaho sa aking permanenteng trabaho. Sa madaling sabi ay nag-demo ako, nakapasa sa interview, at naipasa lahat ng mga kailangan. Yes! Ito talaga ang first choice ko dati ang maging isang guro. Pero hindi naman pumasok sa isipan ko na makukuha ko ang aking gusto kahit ibang kurso ang natapos ko. Baka na ako'y inihanda ng sobrang tagal upang makamit ko ang gusto ko. Sa madaling salita ay nakuha ako at nagsimula bilang part-time. Madaming nasungitan, may mga napaiyak, mga sinubok, natakot, at kung ano-ano pang karanasan sa akin ng aking mga estudyante pero ito ay pag...

PAYAPANG ISIPAN

Image
  Madilim na kalangitan ang tila nakiki-ayon sa lungkot na dala ng panahon. Tila nagpapahiwatig na wala talagang permanenteng kasiyahan. Mga pakiramdam na lungkot na tila pahina ng libro na nagbubukas tuwing gusto mo nang buksan. Hindi madali ang ganitong pakiramdam na naging daan upang umiwas. Mga Linggong hindi magpadala ng mga mensahe at mga kwentuhang nakatatawa na nakakapagbigay ng saya sa bawat isa kahit anong oras pa. Mga panahong nagsasama para kumain ng kung ano-ano upang maituloy lang ang usapan. Ano nga ba ang nagbago? Sino ba ang may kasalanan? Aaminin ko na ako ang umiwas dahil natatakot ang isip ko na panandalian lang ang lahat. Mga agam-agam na magdadala ng lungkot o labis na pighati na nagpapa-alala ng iyong paglisan. Marahil ay naramdaman mo at naging kaswal na lamang ang lahat. Sinusubukan ko naman, pero sa ngayon pipiliin ko muna ang payapang isipan. Nawa'y maunawaan mo sa pagdating ng panahon, kung bakit parang pinunit ko ang ibang pahina ng ating libro upang hi...

PAYONG

Image
  Umaga. Tiktik sa init ang araw. Nagmamadali habang nakapayong upang pumila sa ATM upang mag-withdraw. Isang lalaki ang tumawag sa isa pang lalaki kung alam ba na kaarawan ng masipag na estudyante, na tila ba hindi mawala ang dedikasyong mag serbisyo. Itinanong ng lalaki kung meron bang regalo na prinepara sa babae. Sumagot ang lalaki na bibili na lamang siya ng pagkain na ambag sa pananghalian at nagkasundong maghati na. Nagmamadaling naglakad habang nakapayong ang lalaki papuntang sakayan. Nakikiusap sa isa pang lalaki na baka sya ay walang gagawin at inatasang bumili ng makakain habang nasa jeep. Agad na nagpa-anyaya ang lalaki na siya na ang bibili ng ambag para sa pananghalian. Habang nakasakay sa jeep ang lalaki ay tila nanghihina, dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, tila ba ito ay dahilan sa init at lamig na kanyang naranasan noong mga nakaraang araw na nadala niya noong araw ng Lunes na iyon. Nakarating sa kanyang destinasyon at bumaba ng nakapayong dahil tila hi...

YAKAP NG DILIM

Image
  Hapon sa ika-apat na palapag ng gusaling pandayan ng karunungan. Kumukuha ng pagsusulit ang mga batang tila hindi alam ang ipapakitang emosyon, dahil sa kaba na pwedeng magpabago ng takbo ng kanilang buhay. May mga mukha na hindi mo maipinta ang kalagayan noong matapos na ang pagsusulit na tila hindi masaya sa natanggap nilang puntos. Nagtatawag ang guro kung mayroon pang mga dapat ipa-check sa kanya, upang sa gayon ay maayos at walang pag-aalinlangan sa resulta. Ngunit tila nadala ng emosyon ang batang yumakap sa likod ng isang lalaki na para siguro sa kanya ay walang malisya. Tila isang YAKAP SA DILIM na nagpabalikwas at nagdala sa lalaki ng isang pangamba na baka kung anong isipin ng iba. Lalo na't nasa harapan siya ng klase. Mabilis na lumabas ang lalaki at nagtungo sa isang silid na tila nag-iisip kung anong nangyari. At ano nga ba ang tumatakbo sa isipan ng batang 'yun? Hindi niya inaasahan ang ganung pangyayari. Nang matapos ang pangyayari ay bumaba na ang guro at naki...

NAKAKALUNGKOT NA KATAPUSAN?

Image
Maganda ang mensahe na dala ng sikat ng araw na tila ang hatid ay kapanatagan. Araw ng pagpasok sa paaralan upang abangan ang bisita na magtitingin ng kaayusan at pagsunod sa mga tinalagang pamantayan. Nakakapagod na nakaka-antok ang dala ng malamig na kapaligiran. Dumating ang taong handang magsilbi na walang inaantay na kapalit upang lagyan ng laman ang paskilan dahil kasama ito sa mga susuriin ng bisita. Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa kaniyang pagtanggap ng hamon. Puyat at pagod ang kanyang ibinibigay upang mapagsilbihan ang sintang paaralan. Natapos na ang pagdalaw at kinakailaangan bumababa sa kwartong pulungan upang ibahagi ng mga bisita ang kanilang nakalap sa ginawa nilang pag-iikot. Masaya ang lahat dahil naging maayos ang naging komento ng mga bisita at nagbahagi rin ng mga kailangang pagkahusayan pa.  Matapos ang pagpupulong ay umakayat na kami. Nakita namin ang isa pang tao na patuloy ang pagtulong at pagbabahagi ng kanyang serbisyo ng walang inaantay na kapali...

LABINLIMANG BUWANG HIWALAY

Image
Mainit na sikat ng araw ang pumapasok sa mga bintana sa hapong tahimik at tila hindi mapakali sa pagkakahiga dahil sa tindi ng pagkabalisa. Wari'y nangangati ang mga talampakan at handang i-suot ang mga tsinelas upang tuluyang makalaya sa kainipan. Yan ang nararamdaman ko sa araw na ito dahil gusto kung lumayas. Sadyang kay buti ng araw na ito dahil tila may isang anghel na bumulong sa taong ito ng mag-message sa aming group chat upang itanong kung holiday nga ba sa January 30, 2023. At dito na pumasok ang aking suhesyon na lumabas kaya tayo upang magkita-kita. Isa lang ang kumasa sa hamon at ito ay ang nag-iisang Reyna. Tila pumalakpak ang aking tenga ng mabasa ang kanyang tinuran na sasama siya para matuloy lang ang pagkikita sa LABINLIMANG BUWANG HIWALAY . Vermosa Starbucks ang tagpuan, ika-5 at kalahati ng hapon. Idadaos ang tila hindi matuloy tuloy na gawain bilang magkakasama. At ito na nga, matapos ang paghihintay andiyan na nag Reyna na may pasalubong na ngiti na karaniwang...