Calling?
Noong ako'y nagsimula sa bagong kabanata ng aking buhay sa bagong trabaho na ipinagkaloob ng Maykapal, dahil dumating ito ng hindi inaasahan. Nagsimula sa isang mesahe na tinatanong ako kung gusto ko bang subukang mag-turo at nasabi ko na lang na "Sige po subukan kong magpasa sa inyo ng aking curriculum vitae." na wala sa kaisipan na matatanggap ako, dahil subok nga lang. Kasalukuyan din naman akong nagtratabaho sa aking permanenteng trabaho. Sa madaling sabi ay nag-demo ako, nakapasa sa interview, at naipasa lahat ng mga kailangan. Yes! Ito talaga ang first choice ko dati ang maging isang guro. Pero hindi naman pumasok sa isipan ko na makukuha ko ang aking gusto kahit ibang kurso ang natapos ko. Baka na ako'y inihanda ng sobrang tagal upang makamit ko ang gusto ko. Sa madaling salita ay nakuha ako at nagsimula bilang part-time. Madaming nasungitan, may mga napaiyak, mga sinubok, natakot, at kung ano-ano pang karanasan sa akin ng aking mga estudyante pero ito ay pagsusulit kung hanggang saan ang kaya nilang magawa upang mapagtagumpayan ang hamon. Walang madaling buhay, walang shortcut, walang puro gusto mo lang ang masusunod, at hindi ikaw ang magdidikta ng lahat ng gusto mong mangyari. Pero lahat ng ito ay hindi ko inaasahan na madami palang nagpursige at gumawa ng paraan para makasunod sa mabilis na phasing na ginawa ko. Maraming nag-aabang ng aking mga puna sa kanilang activity dahil feeling nila ay hindi ako nauubusan ng masasabi na para sa kanila ay kailangan nilang mag-improve sa susunod. Mga magagandang mensahe na nagsasabing sinubok talaga ang kanilang College life sa asignaturang aking tinuro. Kakaiba ang experience, yan ang sabi naman ng iba. Pero hindi iyan ang mga binabalikan ko, ang mga estudyanteng naglakas ng loob na magsabi ng kanilang personal na problema at nagtiwala sa akin, dahil sa palagay nila ay makakatulong ako na mapagaan ang kanilang nararamdaman. Mga kwentong nakaka-iyak, mga kwentong susubukin ang pagtitimpi mo na hindi sabayan ang lungkot na nararanasan nila, mga kwentong tila hinihila sila pababa kaya ganun na lamang ang kaning naging performance sa klase. Nagbabakasakaling mauunawaan ko sila. Hindi sila nagkamali dahil likas sa aking ang pakikiramay, ang pakikinig, at ang pagsasabi ng mga salitang baka sakaling makatulong sa kanila para magpatuloy muli. Sa kasalukuyan ay may isa akong binbantayan kung kumusta siya palagi at nakikita ako ang kanyang improvement at lubos na pasasalamat ang kanyang sinasabi, pero hindi pa tapos anag Calling nga bang maituturing dahil gusto ko pa siyang makitang magtagumpay at maabot ang kaniyang pangarap pakonti konti? Natakot man siya sa akin at marinig pa lang ang aking pangalan ay gusto niya nang lumabas ng pinto ay baka dinala talaga siya ni Lord upang mapagaan ko ang loob niya.
Ang bawat isa ay may pinagdadaanan pero naniniwala ako na may tao na makakatulong sayo upang gumaan ang nararamdaman mo. O mismong sarili mo na tila magpupursige dahil may pangarap kang gustong marating. Hindi pa tapos ang buhay hangga't nakikita natin na sumusikat ang araw na nagdadala ng liwanag at para bang nagpapa-alala na walang kadiliman ang hindi nagliliwanag basta hindi ka sumusuko.
Comments
Post a Comment