NAKAKALUNGKOT NA KATAPUSAN?
Maganda ang mensahe na dala ng sikat ng araw na tila ang hatid ay kapanatagan. Araw ng pagpasok sa paaralan upang abangan ang bisita na magtitingin ng kaayusan at pagsunod sa mga tinalagang pamantayan. Nakakapagod na nakaka-antok ang dala ng malamig na kapaligiran. Dumating ang taong handang magsilbi na walang inaantay na kapalit upang lagyan ng laman ang paskilan dahil kasama ito sa mga susuriin ng bisita. Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa kaniyang pagtanggap ng hamon. Puyat at pagod ang kanyang ibinibigay upang mapagsilbihan ang sintang paaralan.
Natapos na ang pagdalaw at kinakailaangan bumababa sa kwartong pulungan upang ibahagi ng mga bisita ang kanilang nakalap sa ginawa nilang pag-iikot. Masaya ang lahat dahil naging maayos ang naging komento ng mga bisita at nagbahagi rin ng mga kailangang pagkahusayan pa.
Matapos ang pagpupulong ay umakayat na kami. Nakita namin ang isa pang tao na patuloy ang pagtulong at pagbabahagi ng kanyang serbisyo ng walang inaantay na kapalit. Nagpulong ang mga nasabing mga tauhan at ang guro para sa gaganaping aktibidad kinabukasan. Napagkasunduan ang lahat ng mga kailangan at ang mga gagamitin na mga bagay. Andiyan din ang mga papremyo na kailangang bilihin upang makapagbigay ng aliw sa mga dadalo. Matapos ang pagpupulong ay nanonood ng palabas ang mga tauhan na nagpapakita ng paghihirap upang makapasa sa isang asignatura. Hindi nagtagal ay nagligpit na upang pumunta sa susunod na destinasyon.
Ala-sais ng hapon ng tinungo ang palabas ng paaralan at sumakay ng pampasaherong dyip na maghahatid sa patutunguhan. Nang nandun na ay nagkasundo na unahin ang pagwi-withdraw ng pera at isununod ang pamimili ng mga pampremyo at ang ambag para sa naka-iskedyul na gawain.
Matapos ang pamimili ay nagtungo sa bilihan ng libro upang tingnan ang mga makabagong titulo ng aklat na may temang legal thriller na sinulat ng sikat na manunulat na si John Grisham. Lahat ng nasabing titulo ay nabasa na at wala ng bago na dahilan ng pagpapasya na kumain na ng hapunan. Pansit at kanin na may kasamang mainit na sabaw ang napagpasyahang kainin habang nag-uusap ng masasayang pangyayari sa paaralan. Hindi maiiwasan ang mga kwentong hindi nakasasaya na tila nagdulot pa nga ng agam agam. Ang kontrabida nga ba ng kwento ang nakita?
Nagkaroon ng agam-agam ang mga tauhan na tila nagdala sa hindi inaasahang mga salita na tila bumaon sa puso at nagbigay ng madaming tanong sa isipan, na hindi agad kayang solusyunan. Kinimkim at pinaka-isip-isip kung ano nga ba ang pagtatapos.
NAKAKALUNGKOT NA KATAPUSAN nga ba ang gigimbal sa kwento o patuloy ang saya na dulot ng nabuong pagkakaibigan?
Masakit kung matuloy man ang katapusan, pero baka ganun talaga?
Pero handa pa rin akong magpatuloy!
-Your Guiding Star
Comments
Post a Comment