YAKAP NG DILIM
Hapon sa ika-apat na palapag ng gusaling pandayan ng karunungan. Kumukuha ng pagsusulit ang mga batang tila hindi alam ang ipapakitang emosyon, dahil sa kaba na pwedeng magpabago ng takbo ng kanilang buhay. May mga mukha na hindi mo maipinta ang kalagayan noong matapos na ang pagsusulit na tila hindi masaya sa natanggap nilang puntos.
Nagtatawag ang guro kung mayroon pang mga dapat ipa-check sa kanya, upang sa gayon ay maayos at walang pag-aalinlangan sa resulta. Ngunit tila nadala ng emosyon ang batang yumakap sa likod ng isang lalaki na para siguro sa kanya ay walang malisya. Tila isang YAKAP SA DILIM na nagpabalikwas at nagdala sa lalaki ng isang pangamba na baka kung anong isipin ng iba. Lalo na't nasa harapan siya ng klase.
Mabilis na lumabas ang lalaki at nagtungo sa isang silid na tila nag-iisip kung anong nangyari. At ano nga ba ang tumatakbo sa isipan ng batang 'yun? Hindi niya inaasahan ang ganung pangyayari.
Nang matapos ang pangyayari ay bumaba na ang guro at nakipag-usap sa lalaki. Naramdaman ng guro ang pagka-ilang ng lalaki sa nangyari. Walang salita ang makakapag-larawan sa bigla ng lalaki lalo na't hindi naman sila ganoong ka-close.
Gayunpaman, ang mga pangyayaring mga ganoon ay pwedeng maiwasan na hindi na maulit pa. Ang mga gusaling pandayan ng karunungan ay nakalaan sa pagbabahagi ng karunungan at hindi ng kung ano pa man.
Hanggang sa muli,
Guiding Star
Comments
Post a Comment