Sorbetes
Marso lagpas ng kalahati ng buwan naging busy ang lahat dahil sa napaka-tagumpay na mga gawain. Pagod, uhaw, init, puyat, at iba't iba pang nararamdaman dahil ginugol ang lahat ng lakas upang maisakatuparan ang minimithing tagumpay.
Umakyat ng hagdan, hila ang mga paa dahil sa pagod pero hindi alintana dahil hindi naman nag-iisa. Baon ay ngiti, pawis na tila pumapatak na lamang ng kusa, at magandang kwento ang bitbit at nararamdaman sa bawat baitang bago makarating sa paroroonan.
Tubig ang katapat at malamig na hangin na dala ng pinagsamang bukas na aircon at electric fan na tila nagdala ng ginhawa sa aking nararamdaman. Hindi natatapos sa ganun ganun na lamang, kailangan nating alamin ang mga magagandang nangyari, hindi magandang nangyari, at ang mga dapat pang husayan na bahagi ng natapos na aktibidades. Ibig sabihin pagpupulong pagkatapos ng nasabing tagumpay upang mas mapahusay pa ang mga susunod na gagawing mga gawain.
Habang nagpupulong ay kumakain ng biscuit upang mapawi ang gutom na nararamdaman. Nagbibigay ng suhestiyon ang lahat at nagbabahagi ng mga hindi magagandang nangyari. Matapos ang aking agenda ay palabas na ng pinto ng pumasok ka, may dalang sorbetes na may bawas na kasalukuyang kinakain mo at nakita mo ako at inalok. Hindi ko tinanggihan dahil sa gutom. You're my savior. Hindi naman ako maarte at kung anong ginamit mong panandok ay 'yun din ang ginamit ko. Masarap. Nakakapagbigay s'ya ng lakas dahil kaya sa tamis? o kung ano pa man! Hindi ko 'yun makakalimutan.
Maraming salamat sa iyo. Huli ko man itong nai-kwento rito, tumatak na siya sa utak ko at puso ko.
Comments
Post a Comment