PAYONG
Umaga.
Tiktik sa init ang araw. Nagmamadali habang nakapayong upang pumila sa ATM upang mag-withdraw. Isang lalaki ang tumawag sa isa pang lalaki kung alam ba na kaarawan ng masipag na estudyante, na tila ba hindi mawala ang dedikasyong mag serbisyo. Itinanong ng lalaki kung meron bang regalo na prinepara sa babae. Sumagot ang lalaki na bibili na lamang siya ng pagkain na ambag sa pananghalian at nagkasundong maghati na.
Nagmamadaling naglakad habang nakapayong ang lalaki papuntang sakayan. Nakikiusap sa isa pang lalaki na baka sya ay walang gagawin at inatasang bumili ng makakain habang nasa jeep. Agad na nagpa-anyaya ang lalaki na siya na ang bibili ng ambag para sa pananghalian.
Habang nakasakay sa jeep ang lalaki ay tila nanghihina, dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, tila ba ito ay dahilan sa init at lamig na kanyang naranasan noong mga nakaraang araw na nadala niya noong araw ng Lunes na iyon. Nakarating sa kanyang destinasyon at bumaba ng nakapayong dahil tila hindi nagpapatinag ang haring araw.
Noong nakarating na sya sa pultahan ay diretso siyang
pumasok at nag tingin ng temperatura upang masiguro na wala siyang lagnat na
health minimum protocols pa rin dahil sa Covid-19. Sa madaling salita ay naabot
na niya ang ikatlong palapag kung saan siya mag-titigil. Dumating na ang oras
ng pagbili at pumasok sa silid ang lalaki upang itanong kung anong oras ba ang
tamang pagbili ng pagkain. Ngunit hindi dun nagtatapos, dahil gustong isama ng
lalaki ang nagpapabli ng pagkain. Baka dahil gusto niya ng may kausap? Hindi
malinaw ang dahilan. Naghanda na ang dalawang bumaba para bumili. Syempre,
hindi makakalimutan ang payong, dahil sa init ng panahon. Habang naglalakad ay
pinapayungan ng lalaki ang nagpapabili. Bumalik tuloy sa kanya ang ala-ala na
hindi na mabubura sa isipan niya noong may sumusundo sa kanya sa simbahan dahil
malakas ang ulan. May dala ring payong. Parehas ang eksena. Magkaiba ng
panahon. Nag-uusap sa ilalim ng magkaibang panahon. Pero, magka-iba rin naman
ang relasyon. Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa makasakay ng jeep at makabili
ng makakain.
Malaki ang papel ng payong upang sumaya noong araw na 'yun. Pero ano nga ba ang kulang? Hindi pa masagot sa ngayon. Pero tuloy tuloy ang mga istorya sa pahinang ito na balang araw ay magpapa-alala na sumaya rin naman ako.
Hanggang sa muli,
Your Guiding Star
Comments
Post a Comment