NAKAKALUNGKOT NA KATAPUSAN?

Maganda ang mensahe na dala ng sikat ng araw na tila ang hatid ay kapanatagan. Araw ng pagpasok sa paaralan upang abangan ang bisita na magtitingin ng kaayusan at pagsunod sa mga tinalagang pamantayan. Nakakapagod na nakaka-antok ang dala ng malamig na kapaligiran. Dumating ang taong handang magsilbi na walang inaantay na kapalit upang lagyan ng laman ang paskilan dahil kasama ito sa mga susuriin ng bisita. Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa kaniyang pagtanggap ng hamon. Puyat at pagod ang kanyang ibinibigay upang mapagsilbihan ang sintang paaralan. Natapos na ang pagdalaw at kinakailaangan bumababa sa kwartong pulungan upang ibahagi ng mga bisita ang kanilang nakalap sa ginawa nilang pag-iikot. Masaya ang lahat dahil naging maayos ang naging komento ng mga bisita at nagbahagi rin ng mga kailangang pagkahusayan pa. Matapos ang pagpupulong ay umakayat na kami. Nakita namin ang isa pang tao na patuloy ang pagtulong at pagbabahagi ng kanyang serbisyo ng walang inaantay na kapali...