LIWANAG NG PAG-ASA

Maliit na notes sa dulo ng sagutang papel ang aking nakita na nagpabago ng paniniwala ng isang tao na kasalukuyang nagpamulat sa kanya ng kung ano ang buhay.

"Sir pagbubutihin ko pa po sa susunod, di pa po talaga ako preparado. Babawi ako."
Mga katagang nagpaisip sa akin ng malala, pinahirapan ko ba sya?
Pero ang mas nakakatuwa ay ang bigla niyang pag-message sa akin na malaki ang natutunan niya sa pangyayaring ito. Dito 'nya lang naramdaman ang matinding pressure na nagturo sa kanya na hindi lang talaga mani mani ang buhay at dapat pinaghihirapan.
Unti-unti siyang nagpupursige upang pagbutihin niya dahil hindi easy game ang life. Matinding lesson na nag-ukit ng bagong LIWANAG NG PAG-ASA.
Ang mga ganitong kwento ay sadyang kahanga-hanga at nakatutuwa na nagdadala ng malaking ngiti sa puso, dahil naging daan ka nang pagbabago. Sa maliit na bagay na paghihigpit ay nakapagpalabas ka ng mabuting aral na talagang ipagpapasalamat sa huli.
Na-miss ko 'to!
PURSUE your dreams.
FOLLOW your heart.
HUNT your success.
-Your Guiding Star 👨‍💻

Comments

Popular posts from this blog

Calling?

Sorbetes

PAYAPANG ISIPAN