LEAVING MY BREAD AND BUTTER FOR MORE THAN SIX YEARS

Maraming tao ang nagtatanong, bakit ka aalis sa trabaho mo? Maganda naman dyan ah! Kalalabas lang ng iyong ama sa ospital, sino na ang tutulong sa pagpapatuloy ng kanyang gamutan? Yung kapatid mo may treatment sya dalawang beses sa isang linggo, sino na ang sasagot ng iba pa nyang pangangailangan?

Ito ang mga katanungan na patuloy na pinupukol sa akin ng tahimik na magdamag, sa ilalim ng malamlam na buwan, na tila nagpapahiwatig ng kalungkutan. Tinatanong din ang sarili, wala bang magtatanong kung kumusta na ako? Ano ba nag nararamdaman ko? Ano ba ang totoong dahilan kung bakit ako aalis?

Marahil totoo, na ito ang naging bread and butter ko more than six years. Nakakatulong sa pamilya, naibibigay ang pangangailangan kahit hindi sapat ang budget, nakakapagbigay ng ngiti sa mga labi na tila may isang reward na may kalakip na "Best Anak". Pero bakit parang pag-tagal ng panahon, hindi na masaya? Bakit kaya nakakapagod? Bakit hindi nauubos ang problema? Bakit parang hindi nakaka-ahon? Bakit sa halip na magsumikap, mas lalong nahihirapang magpatuloy? Mga tanong na tila hindi masagot nang pagtingala sa kalangitan at pagharap sa kawalan.

Naniniwala ako na may mga dalang aral ang lahat ng mga dumarating sa ating buhay. At ito ang mga matutunan natin sa paglipas ng mga araw at panahon. Sabi nga ng aking ina noong ako'y nagpa-alam sa kanya, "it's okay, kesa masakrispisyo ang iyong kalusugan, pagtutulungan natin yan!", tila ba napawi ang aking mga agam-agam, mga tanong na tila bumabagabag sa paggising sa umaga at pagtititig sa kisame tuwing imumulat ang mata. "Yes! natanggap din nya, nila!". Pero hindi nagtatapos diyan ang lahat, iisip ka ng paraan para maipagpatuloy ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Ang mga aral na babaunin ko sa pag-papatuloy ng aking buhay ay mga sumusunod: Hindi masamang sumuko, Hindi masamang sumubok, Hindi masamang magreklamo, Hindi masamang malungkot, Hindi masamang magpahinga, Hindi masamang mag break, Hindi masamang mangarap ng iba, Hindi masamang mapagod. "Life is what you make it." Susuko pero babangon! Mangangarap muli at magsusumikap na tuparin ang mga adhikain sa buhay. Walang perpekto, pero dapat pagtuunan ng panahon ang mga bagay na magpapasaya ng ating kalooban at ng ating mahal sa buhay. Fail fast, and continue to achieve your dreams. Kayang kaya mo yan! Wag kang panghinaan ng loob. Hindi ibibigay ng Diyos ang mga suliranin, kung hindi mo kayang lagpasan! Pray!

PURSUE your dreams.
FOLLOW your heart.
HUNT your success.

-Your Guiding Star 👨‍💻

Comments

Popular posts from this blog

Calling?

Sorbetes

PAYAPANG ISIPAN