LUHA NANG PAGKABALISA
Enero ng taong 2022 ang isa sa mga sumubok ng aking damdamin. Ang kung paano mo tatanggapin ang balita na puputol ng saya na ipininta mo sa iyong mga mukha. Ang tila mapapatanong sa sarili o sa malawak na langit na punong puno ng bituin na tila lalaglag kasabay ng mga LUHA NANG PAGKABALISA.
"Naaksidente ang Nanay mo sa motor, hindi makatayo at parang may bali." Maikli pero malaman na sisira sa umagang pinaliwanagan ng Haring Araw. Hindi mapakali at sadyang nakakabigla ang mga pangyayari na tila ba isang panaginip. Wala kang magawa kasi wala ka naman sa tabi nila upang mapuntahan agad.
Ramdam mo ang kalinga ng iyong mga kapitbahay na kasama nila na nag-aasikaso at nagbibigay ng tamang impormasyon na magbibigay sayo ng kapanatagan. Walang nagawa ang magandang sikat ng araw sa balitang hindi nakatutuwa. Iyak na may dumadaloy na luha ang nararamdaman sa panahong wala kang magawa.
Marahil sakto ang pag-alis ko sa trabaho upang mapuntahan ko ang aking ina na tila nihirapan dahil sa naranasan niyang hindi inaasahang aksidente. Baka ito ang rason? Ang pagkukumbinsi ko sa sarili. Tila naging madali para sa akin ang nangyari at agad tanggapin dahil sa mga kaibigang andiyan na tumutulong magdasal at magbigay ng pinansyal na tulong dahil sa inaasahang operasyon. Maraming salamat ang bukang bibig na tila gumuguhit sa mata na naglalabas ng tubig na mainit at nagpipinta ng ngiti. Salamat sa Diyos kasi hindi niya pa rin kami pinabayaan.
Hindi inaasahan na ang lahat ay mag-aambag. Mga kaibigan, kapatid, kapamilya, at mga kapuso na hindi nakakalimot. Nalagpasan ang lahat dahil sa pinagsama-samang effort ng bawat isa. Ang galing lang dahil kahit nahihirapan ka, parang kusang lumalapit sa iyo ang mga sagot sa problema mo. Mga taong tila dinala ng kanilang mga paa upang ipahiram ang kanilang tsinelas na magsisilbing sapin upang makapag-lakad ng maayos.
Walang hanggang pasasalamat ang alay namin sa lahat.
PURSUE your dreams.
FOLLOW your heart.
HUNT your success.
-Your Guiding Star
Comments
Post a Comment