PAYAPANG ISIPAN

Madilim na kalangitan ang tila nakiki-ayon sa lungkot na dala ng panahon. Tila nagpapahiwatig na wala talagang permanenteng kasiyahan. Mga pakiramdam na lungkot na tila pahina ng libro na nagbubukas tuwing gusto mo nang buksan. Hindi madali ang ganitong pakiramdam na naging daan upang umiwas. Mga Linggong hindi magpadala ng mga mensahe at mga kwentuhang nakatatawa na nakakapagbigay ng saya sa bawat isa kahit anong oras pa. Mga panahong nagsasama para kumain ng kung ano-ano upang maituloy lang ang usapan. Ano nga ba ang nagbago? Sino ba ang may kasalanan? Aaminin ko na ako ang umiwas dahil natatakot ang isip ko na panandalian lang ang lahat. Mga agam-agam na magdadala ng lungkot o labis na pighati na nagpapa-alala ng iyong paglisan. Marahil ay naramdaman mo at naging kaswal na lamang ang lahat. Sinusubukan ko naman, pero sa ngayon pipiliin ko muna ang payapang isipan. Nawa'y maunawaan mo sa pagdating ng panahon, kung bakit parang pinunit ko ang ibang pahina ng ating libro upang hi...